ePrivacy and GPDR Cookie Consent by Cookie Consent

What to read after Lita?

Hello there! I go by the name Robo Ratel, your very own AI librarian, and I'm excited to assist you in discovering your next fantastic read after "Lita" by Cavite Young Writers Association! 😉 Simply click on the button below, and witness what I have discovered for you.

Exciting news! I've found some fantastic books for you! 📚✨ Check below to see your tailored recommendations. Happy reading! 📖😊

Lita

Poems on Women

Cavite Young Writers Association

Language Arts & Disciplines / Writing / Poetry

Noong nag-uumpisa pa lamang ang Cavite Young Writers Association (CYWA) at pilit nitong idinudugtong ang organisasyon sa nalimutang kasaysayang pampanitikan ng Cavite, iisa lamang ang babae sa listahan ng mga manunulat ng bayan. Batay ito sa pananaliksik ni Dr. Efren R. Abueg, ang punong tagapagpayo ng grupo. Naging palaisipan tuloy kung bakit dahop sa mga babaeng manunulat ang kilalang ‘macho’ na probinsiya ng Cavite. Kaya bang iligtas ang reputasyong ito ni Darna na likhang-isip ng isang Caviteño, si Mars Ravelo? Sa pananaliksik ng CYWA, nadagdagan nang nadagdagan ang mga babae sa listahan na ito. Natuklasan din ng grupo ang mga babaeng manunulat sa Cavite City na nagpalimbag ng kanilang aklat ng mga tula noong dekada 1980. May labing-apat na babae na ang napalista sa listahang humigit-kumulang ay isang daan.

Ang proyektong Lita: Poems on Women ay inilunsad sa Tulaan sa Tahimik ng dating pangulo ng CYWA, si Raphael Enrique Coronado, may dalawang taon na ang nakalilipas. Ang Tahimik ay isang kalye sa lumang bayan ng Imus na bumabagtas sa mga libingan. Ipinangalan ng CYWA ang libro sa yumaong dating asawa ng kanilang punong tagapagpayo na isang Imuseño. Inaako ng organisasyon ang mga tungkuling tulad ng isang asawa sa kanyang manunulat na kabiyak--bilang unang mambabasa at kritiko, tagapangalaga ng mga manuskrito at nailimbag na mga akda, tagasiguro na mapapahalagaan ito ng mga bata, maging inspirasyon din at hugutan ng tatag, atbp. Natutuhan ng organisasyon ang mga ito sa katauhan ni Lita. Ngunit katakatakang karamihan ng mga akdang lumabas sa koleksiyon ay (kung mahihiram ang imahe na ginamit sa isa sa mga tula) pagpaling ng ulo ng babae palayo sa lalaki. Ano ang matututunan ng organisasyon ngayong nasa ibang porma na si Lita?

Isang balong malalim ang usaping pangkababaihan. 

Sa Pooc, Silang, Cavite matatagpuan ang isang malalim at hugis-wawang katawang-tubig. Ayon sa diksiyonaryo*, ang wawa ay bunganga ng ilog. May nagsasabing pook ito ng pinagtalakan ng dalawang babaeng nagtatalo. Walang detalye ukol sa pagkakakilalanlan ng dalawang babae at sa dahilan ng kanilang pag-aaway. Ngunit mula noon ay tinawag ang lugar na Pinagtalakan. May nagsasabing pinagbagsakan ang pook na ito ng bulalakaw kaya’t nalikha ang katawang-tubig. Ayon kay Aidel Paul Belamide, isang anthropologist na lumaki sa Pooc, nakatutuwa raw isiping ang pagtatatalak ng dalawa ang humukay sa lalim ng katawang-tubig. Wala pang nakapagsusukat ng lalim nito.

Ipinangalan ng grupo ang serye nito ng mga publikasyon tungkol at para sa mga babae sa pook na Pinagtalakan sapagkat ang kuwentong bayan na tungkol sa pook ay isang nakaaantig na larawan ng talakayang pangkababaihan. May nais sigurong buwagin sa kamalayan ng marami ang pagbibigay-tuon ng CYWA sa kababaihan. Marahil may nais ding mabatid na rarom. 

* Tagalog-English Dictionary, Leo James English C. Ss. R.

Do you want to read this book? 😳
Buy it now!

Are you curious to discover the likelihood of your enjoyment of "Lita" by Cavite Young Writers Association? Allow me to assist you! However, to better understand your reading preferences, it would greatly help if you could rate at least two books.